Home
SCINTILLATE. [entries|archive|friends|userinfo]
sikenlonganisa

[ blag adik | sitahoy ]
[ layp-layp | mga nakaraan ]

(no subject) [Feb. 10th, 2007|03:24 pm]
add niyo ako. please?

new lj : [info]kamotejuice
Linkbili na ng taho!

malabo. [Jan. 22nd, 2007|01:40 pm]
[diwa | are u drugs?]

aun. di ko pa rin maintindihan kung ano talaga gusto ko. 
akala ko pag ginawa ko yung isang bagay eh magiging maayos na ang lahat
di pala. 
di talaga ako para sa ganun.

sabi nga ng sms na ipinasa ni julie babes
"nothing in life is more painful that waiting for something that will never ever happen"

ang saya ng thought. parang di mo na nanaisin na maglakad pa sa ulap habang may hawak kang lollipop.

ewan ko kung bakit naging ganun yung decision na ginawa ko. 

it erts. i know it erts. but i can't do anything. i don't like what is happening between us. 
Linkbili na ng taho!

gusto ko mabuhay, bat mo ko iiwan? ♥ [Jan. 6th, 2007|04:39 pm]
[diwa | me go u stay]

as usual, pagkatapos ko maging masaya eh senti ulit ang drama ko.
♥  
masaya magpaka-senti. parang nasa crowd ka tas gusto mo ma-utot 
pero nahihiya ka na mapagbintangan na ikaw ang salarin.
♥ 
gusto maging malungkot na senti sa mga panahong 'to kasama ng
senting pinapatugtog ngayon.gusto ko kainin ako ng ulap para di
na muling makita at wag na hanap-hanapin.
♥ 
i wanted to be next to him but a part of me says no.
♥ ♥ ♥ ♥
 
isang araw ikaw ang tinatanging ligaya sa buhay
sandali lilipas ‘di ka na kilala
‘di raw namimilit na makita ka sa araw-araw
nagtatampo naman kapag ‘di ka dumating

-bakit ang babae, APO

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Jan. 5th, 2007|01:00 pm]
[diwa | intindinhin mo!]

Ayaw ko.
Gusto ko.
Ayaw ko.
Gusto ko.
Ayaw ko.
Gusto ko.


Ang babaw mo! 

Di naman ako galit eh. Ehe. Sana maintindihan mo lang yung ibig kong sabihin kagabi. Mahirap ba yun intindihin?

GOING BACK.

Pwede bang maglaho muna ako kahit isang araw lang?


...heaven nows how i long to touch your hands, but everytime i try you always say goodbye.

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Jan. 5th, 2007|01:54 am]
[diwa | move your butt!]

We do not usually get what we really want, no matter how perfect our plans may be.

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Dec. 27th, 2006|10:09 pm]
[diwa | api betday chu you!]

HAPPY BIRTHDAY LALA!!

matanda na naman si lala! ahahahah!
Linkbili na ng taho!

putoinks! [Dec. 18th, 2006|09:58 pm]
[diwa | anong meron ang taong happy?]

Ewan ko. Gulung-gulo ako ngayon. Hai just can't understand myself. I am really confused to the highest elation! (Ano ang elation? Tingnan mo sa dictionary mo na matagal nang inaalikabok.)

Tama! gusto ko na siya. Noon pa. Matagal na matagal na. Pero hanggang ganun lang yun kahit na alam ko na gusto rin niya ako - kaso NOON din yun. Ewan ko ba naman sa madaldal kong hinlalaki kung bakit pinindot niya ang mga salitang yun. Kaarawan pamo niya nung araw na di ko naman inaasahang seseryosohin niya ang kalokohan ko. Kaya ngayon, ewan ko kung maniniwala pa siya kung sasabihin ko sa kaniya na malaking kalokohan lang yung pinindot ng daliri ko nun. 

Di ko lang siya gusto. Higit pa dun marahil kahit pa di ko alam kung pano ko ika-classify ang nararamdaman ko. Di naman malalim kaya di ko puwedeng sabihin na mahal ko siya. Mas mahal ko pa rin ang buhok ko na nalalagas kaysa sa kanya. 

Masaya ako pag kasama siya. 
Mas masaya kumpara nung dating lumalabas kami ng damulag ko. 
Kahit di kami nagsasalita, masaya pa rin ako. 
Kahit walang kwenta usapan namin, ayos lang. 
Kahit na mas maayos kausap ang mga kaibigan kong butiki at langaw, masaya pa rin ako basta nakikita ko siya. (Natatawa talaga ako sa sarili ko bat ko ba sinusulat 'to dito at malakas pa ang loob ko na i-post ito sa public.)
Masaya ako pag nakikita ko siya na kumakain ng marami. 
Masaya ako pag kasama ko siya naglalakad kahit pa nga lagi lang ako nagpapahuli sa paglalakad.
Masaya ko pag bumibili siya ng Sambas na makalat at pinapakain sa akin lahat ng kaya kong ubusin.
Masaya ako pag masaya siya.
Masaya ako pag sinasamahan siyang mamili ng kung anu-ano para sa kapatid niya o para sa kanya.
Masaya ako na lakarin ang isang kilometro basta ba alam ko naghihintay siya sa akin dun sa may sakayan.
Masaya ako kahit na masakit na ang paa ko at  gusto pa niyang maglibot kahit pa pagod din siya.
Masaya ako kahit ako lang ang nag-ttxt sa kanya.
Masaya ako pag kinukulit ko siya.
Masaya ako ng marami pag nat-ttxt siya kahit pa puro nyahahaha ;-) at nytnyt ;-) lang ang madalas niyang sinasabi.
Masaya ako pag masaya ako.

Basta, masaya talaga ako. At sana di na mawala ang saya ko kahit hanggang ganito na lang kami. Sayang binawi ko na yung sinabi ko na liligawan ko siya. Natatakot daw kasi siya eh, kaya naisipan ko na huwag na lang. Baka ma-trauma pa siya ako pa ang may kasalanan.

Kahit hanggang ganyan lang kami, ayos na sa akin yun. PRAMIS!



-Nga pala, malapit na betday nia. Kung gusto niyo siya regaluhan, ipangalan niyo na lang sa akin, baka sakaling sumaya siya sa regalong ibibigay niyo sa akin. AHAHA~

<3<3<3<3<3 --weeeehhhhh~~




Dito na lang, baka masiraan pa ako sa sobrang saya.

_sa'yo: pag aalis ka magpaalam ka para alam ko kung dapat pa ba akong magsaya.







-EDIT-

Alam ko na ngayon ang nararamdaman ko. Natutuwa lang nga ako sa kanya at hanggang dun lang yun. Sabi nga ni Marie, iba ang natutuwa sa gusto/lab. Sadyang natutuwa lang ako. Yun lang yun. At balak ko nang tumigil sa katuwaan na ito. Masyadao lang siguro ako na-overwhelm sa mga pangyayari nun kaya ayun. 


Linkbili na ng taho!

when disappointment attacks you. [Dec. 16th, 2006|10:39 pm]
[diwa | i hate me!]

tama, nadidisappoint ako ngayon, hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko. ewan ko ba. di ko maintindihan. ang sayang batukan ang sarili ko pero masakit yun kaya di ko gagawin. ehe.

gustung-gusto ko sa taas ng bubong. minsan dun na ako matutulog. wala naman siguro tatabi sa kin. ehehe.

ako'y gulung-gulo. di ko maintindihan. iyakin pamo ako. ehe.


ayun lang, i do not feel myself at this moment. something's bothering me and yet i don't know what it is. i'm totally clueless. i promise!


anyone who would want to volunteer to make me happy? please feel free to tell me. just leave a comment to let me know.

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Dec. 14th, 2006|11:05 pm]
[diwa | bokbok manok!]

LIVE AND LOVE LIFE!

MABUHAY TAYO!

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Dec. 13th, 2006|11:12 am]
[diwa | Blah!]

Exam day ngayon. Wala lang. Parang regular day lang na di ako nag-aaral. Ewan ko ba bat ang tamad tamad ko talaga! Gaya nga ng madalas na sinasabi ng mga students na sasabihin ko na rin - "babawi na lang ako sa midterm!" 

Di ko alam kung madi-disappoint ba ako sa sarili ko o tanggapin ko na lang ang katotohanan na nagsisimula na akong makibagay sa lahat. Tulad kanina, nagtest ako na di man nag-aral ng lubusan. Yun tipong sugod na lang sa war na walang dalang weapon kahit mabahong hininga lang. Asar talaga!

Andami ko pa kailangan tapusin ngayon. Parang nakalimutan ko ng nga ang thesis namin eh. Hay.

Sana matapos ko lahat ng gusto kong tapusin this week. At sana maki-sali ang tadhana sa akin.


Nga pala, may nililigawan ako ngayon. Pero malamang di naman niya ako sasagutin. Parang dinadaan lang namin sa biro ang lahat.. Ang sayang isipin na seryoso ako, pero mas masaya kung hindi para di masyadong halata. Magulo ba ang statements ko? Sinadya ko yan para di mo maintindihan. Ehe. (Pero kung sasagutin niya ako, ililibre ko siya ang ice cream. PROMISE! Kung hindi, papadala ko siya sa North Pole para makipag-mabutihang loob na lang siya sa mga polar bears. Ehe.)


_Chubee, gawin na lang natin yung video sa Christmas break pero wag sa 28 dahil may date ako nun. eheh.

_Sa nililigawan ko: wag kang maingay, kunwari totoo lang. Ehe.

Linkbili na ng taho!

evaluation. [Dec. 13th, 2006|10:32 am]
[diwa | FOOD!]

Looking back on 2006
About You...
Name:Rojessa
Nickname:Roj
How old were you in 2006?:20
What was the most important thing you discovered in 2006?:It's okay to be real.
What will you always remember about 2006?:Hectic schedules and demanding professors.
In 2006 did you...
Keep your New Years resolution?:Quite.
Go on a holiday?:Planned to but did not pursue.
Change jobs?:I used to work in my "mom's" office and now I am working in our house.
Buy anything from eBay?:No.
Prank call someone?:No.
Get drunk?:No.
Get high?:No.
Fall in love?:Maybe.
Break up with someone?:I just happened.
Get married?:No.
Get divorced?:No.
Stop speaking to someone?:Sort of.
Kiss someone?:Yes.
Kiss someone whose name you can’t remember?:Who?
Make a new friend?:Yes.
Do anything embarrassing?:EVERYDAY!
Do something that you thought that you would never do?:I'm still afraid.
Do something you have always wanted to do?:Yes. SCREAM.
Do anything that you regret?:Breaking promises.
Do anything illegal?:What illegal?
Break a promise?:I'm the master!
Lose something?:A good friend and important files.
Go crazy?:EVERYDAY!
Best of 2006...
Movie:SAW I
TV Show:PDA (atleast that's the only show I am able to watch)
Song:OO - UPD
Album:Strike Whilst The Iron Is Hot -ONL
Thing you bought:Umbrella (it's my first time!)
Memory:Trekking
Worst of 2006...
Movie:I can't differentiate.
TV Show:I do not regularly watch TV.
Song:-
Album:-
Hangover:-
Memory:-
About 2007...
What do you want in 2007?:A better life.
Is there anything you would do differently in 2007?:Share and Love. (ahahah! i want to be kind and generous)
Do you think it will be a good year?:Everybody hopes so.
What do you look forward to most about 2007?:A better life, good job, better relationships, better year perhaps.
Do you have a New Years resolution?:None.
Take this survey | Find more surveys
Bzoink - The Original Survey Site
Linkbili na ng taho!

alamat ng gubat. [Dec. 11th, 2006|12:35 pm]
[diwa | SIPUNIN KA!]

kakabasa ko lang ng alamat ng gubat ni pareng bob. nagkamali ako nun nung sinabi ko na alang kwenta siya. ehe. meron pala. at ang lesson na natutunan ko? WAG HUSGAHAN ANG ISANG BAGAY KUNG DI MO PA SIYA NA-EXPERIENCE. kaya maling-maling kung sasabihin ko na di masarap kainin ang sukang pinabalik-balik gaya ng ginagawa ni aso. pero ayaw ko naman ma-experience yun dahil ayaw kong babuyin ang sarili ko. 

naaliw ako sa ginawa ni bob. nailagay niya sa nakaka-aliw na tema ang nais niyang ipahatid sa mga mambabasa kahit pa ang nais niyang ipakita ay ang napaka-madramang pelikula ng pulitika. nakaka-tuwang isipin na parang nagiging showbiz na rin ang pulitika ngayon. pde ring setting sa mga magkakalaro (di-mo-bati-si-ganyan-noh-kasi-inaway-niya-ako theme). sana nabasa ng mga hayop sa gubat yung kwento nila para naman magising sila sa katotohanan. ehe. (medyo tinamaan ako sa nabasa ko kaya ganito ang paglilitanya ko. ehe.)

USAPAN NA TUMATAK SA ISIP KO:

TONG: Wala ka bang pinagkaka-abalahan?
ULANG: Meron
T: Ano?
U: Ito ang pinagkaka-abalahan ko. Gumagawa ako ng wala.
T: Wala kang ginagawa?
U: Hindi. Iba ang walang gingawa sa gumagawa ng wala.
T: Anong pinagkaiba noon?
U:(Itinuro ang malawak na kapaligiran) Yan ang wala. Yan ang ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala.
T: Pano yun? Pano mo malalaman kung tapos mo ng gawin ang wala?
U: Kapag gumawa ka ng ng meron.
T: Pero hindi mo makikita ang ginagawa mo, di ba?
U: Dahil nga ang ginagawa ko ngayon ay wala. Sa katunayan, lahat ng pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpapaguran ko.

Onga naman. Bat kasi ang kulit ni Tong eh.

WORD OF WISDOM SA USAPANG TONG VS. ULANG:

"Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay  kesa magtagumpay sa paggawa ng wala." - TONG

Ang lalim!

WORDS OF WISDOM SA USAPANG TONG VS. MATSING:

"Paggawa na ba ng kabutihan ang di paggawa ng kasamaan?" - MATSING

"Hindi ko kailangan ng kapangyarihan Matsing! Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... Pero ang impluwensiya, daangtaon." - TONG

"Hindi kailangang lahat ng gagawin natin ay para lang sa atin. Dapat ay isinasaalang-alang rin natin ang mga susunod pang henerasyon." - TONG

Minsan (kundi man madalas) ang daling sabihin na gusto natin ng pagbabago, pero di natin naiisip kung makakaya natin ang gusto nating gawin. Napakarami ko nang nakilalang mga idealistic na tao (at siguro napapabilang ako dun kahit na di ko pa kilala sarili ko) na hanggang ideals pa lang ang inaabot nila. Parang nangangarap sa buwan - nagpapasakit ng ulo sa pag-iisip kung ano ang maganda pero sa bandang huli eh kasama rin naman sa pag-agos ng maduming tubig sa ilog (bakit ilog? kasi running water daw ito ayon sa guro ko nung grade 2 ako...). Masakit tanggapin pero totoo. 

Minsan (kundi man madalas ulit) para tayong si aso na kinakain ang isinusuka na. Or parang si paru-paro na nabigyan lang ng pakpak ay nakalimutan na na dati ay isa lang siyang uhuging uod at ngayon ay pa-ingles ingles na at parang wala ng pakialam sa nangyayari sa gubat na dating nag-alaga sa kanya. Gayundin ng ibang hayop na gagawin ang lahat para sa sariling kapakanan kaya sa huli ay sama sama rin silang bumabagsak. Marami rin sa atin ang tulad ni Tong, na nagiging emosyonal (tulad ko) at di na iniisip kung bakit ginagawa ang mga bagay bagay tulad ng pagpo-post sa journal na to.

Pero wag panghinaan ng loob. May lilitaw pa namang rainbow pagkatapos ng mga sikat na bagyo tulad nina Florita, Milenyo, Reming, Senyang, at kung sinu-sino pang ma-angas na bagyo na tuwang-tuwa sa pagpapa-check ng attendance sa Pilipinas. Gaganda rin ang bukas. Gawin lang natin ang tama - ang mangarap sa buwan (at gumawa ng wala kung batugan ka).


Hanggang dito na lang. Libre ang bumili ng taho. Bili ka!


(nga pala, por ebribadi na ulit ang account ko. salamat kay pareng bob.)


-lala, magbasa ka neh.

Linkbili na ng taho!

(no subject) [Sep. 15th, 2006|11:41 am]
[diwa | HELLO FRIENDS!]

alala ko lang, patanda na ako ng patanda.. (ala naman konek eun sa post na 'to eh..)
kaya por a cheynj, por prens na rin ang LJ na 'to...

kung gusto niong mabasa insights ko or whatever, add me!! tama it's so simple, jux add me and i'll add you back... SWEAR! XP

for our non-tagalog users:

starting today, my journal will be for "friends" only.. i'm not a celebrity but i just want to do it that way.. if you wan't me to be your friend, then add me up and i'll add you back... but if you don't want, no problem dude! ahahhaha!!

Link2 baso ng taho|bili na ng taho!

navigation
[ viewing | most recent entries ]

Advertisement